Unang tungtong sa lugar ng kawit
Halos dobleng dekada ang kapit
Ang pamilya’y maayos tumira
Sa kandunga’y kayang makibaka
Unang punta mula sa tirahan
Ang malamig na simoy ng hangin
Nakapaglakad ng mag-isa
Walang humabol, dahil malaya
Dumating ako’y hinahanap na
Sang tulad ko’y malikot na bata
Akala’y nawalay na sa tabi
Nagbalik para may saya’t silbi
Pagal pero malugod sa mata
Lang bihira pag kasama sila
Kawangis ng panahon matatag
Lakad ng buhay walang ligalig
Comments
Post a Comment