Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2018

Lakad

Unang tungtong sa lugar ng kawit Halos dobleng dekada ang kapit Ang pamilya’y maayos tumira Sa kandunga’y kayang makibaka Unang punta mula sa tirahan Ang malamig na simoy ng hangin Nakapaglakad ng mag-isa Walang humabol, dahil malaya Dumating ako’y hinahanap na Sang tulad ko’y malikot na bata Akala’y nawalay na sa tabi Nagbalik para may saya’t silbi Pagal pero malugod sa mata Lang bihira pag kasama sila Kawangis ng panahon matatag Lakad ng buhay walang ligalig